Sino-sino sa mga 'to ang nakilala, nakaaway, at naging kaibigan mo n'ung High School? Check all that apply.
A. Crush ng Bayan
B. Miss Valedictorian
C. Class Clown
D. Queen Bee
Kung chineck mo lahat, wow, ang cliche diba?
Pero what if kinilala mo pa sila? What if si B, maganda nga, judgmental naman? Or si C, nakakatawa at mabuting kaibigan, kaso babaero pala? Paano kung si D, nung naging girlfriend ni A, nambubuhos pala ng mantika? What if beyond the stereotypes are people who are actually worth a second look?
Sounds familiar? Syempre. Kasi isa sila sa atin, isa tayo sa kanila.
This is your High School story with a twist.
Ano? Willing to give us that second look?