Close To You

Close To You

Author: Cady Lorenzana

4.33 of 3

Click the button below to register a free account and download the file


Download PDF

Download ePub

*Disclosure:“This post may contain affiliate links and I earn from qualifying purchases”.


For the first time in her life, she felt really loved. But God was really good all the time. He made her believe in happy endings because he gave her James.

Romance writer si Frances pero hindi siya naniniwala sa love. Ni wala nga siyang pakialam sa mga nagtatangkang manligaw sa kanya. Isa sa mga naging biktima ng “wala akong pakialam sa `yo” na ugali niya noong high school pa lamang si James Torre. Pero kung noon ay hindi niya pinapansin ang mga pagpapalipad-hangin nito, ngayon naman ay ni hindi niya maialis ang tingin sa makasalanang katawan nito nang muli silang magkita.

Dahil sa kasalanang nagawa niya sa project ng kompanya ni James, kinailangan niyang maging maid sa bahay nito. Wala kasi siyang perang pambayad dito kaya naghain ito sa kanya ng ibang option. Sanay naman siya sa mga gawaing-bahay pero hindi niya alam kung makakaya ng puso niya na uminom ng sandamakmak na kape. Para kasing oras-oras siyang hinahainan ng almusal kapag nasa harap niya ito. Torture na maituturing ang mga “pandesal” nitong palaging nakabalandra sa mga mata niya sa loob ng bahay nito.

Malaking problema iyon, lalo na at may babae nang nagmamay-ari sa puso nito. Sinubukan niyang lumayo rito. But she couldn’t deny the fact that she wanted to get close to him. Even if she knew it was wrong.