He's All That

He's All That

Publication Date: 2012

Author: Jessica Concha

4.67 of 49

Click the button below to register a free account and download the file


Download PDF

Download ePub

*Disclosure:“This post may contain affiliate links and I earn from qualifying purchases”.


“Miss Gonzales?” narinig ko na sinabi ng teacher ko nun. Nanahimik yung buong klase at nagtinginan lahat sa akin.

Ninenerbiyos na ako nun. Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag. Ano naman bang ginawa ko?

Tumayo naman ako bigla-bigla doon sa upuan ko. Hindi ko na nilingon yung mga classmates ko dahil alam ko naman na sinusundan nila ng tingin yung paglabas ko. Tumango lang ako doon sa teacher ko na hindi rin alam kung ano ang ginawa ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko, lumakad ako doon sa tabi nung isang pulis na sinundo ako sa klase ko.

“Sir! Wala ho akong kasalanan!” ang unang lumabas sa bibig ko.

Wala namang sinabi si Manong pulis. Naglakad lang siya at pinasunod niya ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin nung makita-kita ko na dinadala-dala niya ako doon sa dulo ng hallway na kitang-kita pa rin doon sa bintana ng classroom namin. Sana nga lang nilayuan niya kasi ayan tuloy, kitang-kita na may kasama ako na pulis. Nakiki-tsismis tuloy yung klase ko at yung ibang mga estudyante doon sa ibang section.

Nakakahiya talaga. Bakit ba ako sinusundo ng pulis? Hindi naman ako masamang tao ‘di ba?